Pagpupugay sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials na nakatugon sa Full Disclosure Policy sa itinakdang deadline noong ika-30 ng Abril para sa 1st Quarter ng 2024!
Mayroong 2,355 (67.85%) na barangay sa Bicol ang nakapagsagawa ng pagsumite at pagpaskil sa Barangay Full Disclosure Policy Board ng mga pinansiyal na dokumento alinsunod sa DILG Memorandum Circular 2022-027, “Reminders on the Preparation of the Barangay Financial Report (BFR), its Submission to the City / Municipal Accountant and the Posting of the Same in the Barangay Full Disclosure Policy (BFDP) Board”.
Alinsunod naman sa DILG Memorandum Circular 2023-068, “SK FDP Policy: Posting of SK-Related Documents in the SKFDP Policy Board”, mayroong 1,489 (42.90%) na Sangguniang Kabataan sa Bicol ang nakatugon sa pagsisiwalat ng mga pinansyal na transaksyon at dokumento na may kinalaman sa pondo ng SK.
Ang mga barangay na ito ay nagpamalas ng matuwid na pamamahala sa pamamagitan ng tamang paggamit ng pondo para sa ikauunlad ng barangay at matapang na pagbabahagi ng pamamaraan ng pagtugon sa tawag ng tapat at sapat na pag gogobyerno.
Karapatan ng bawat kabarangay ang makibahagi at maging mulat sa lahat ng impormasyon patungkol sa pinansyal na pamamalakad ng pondo ng barangay. Alamin ang status of compliance sa FDP ng inyong barangay sa pamamagitan ng link na ito: https://bit.ly/DILGR5BFDPSKFDP2024
Bawat Kabarangay dapat may alam at pakialam!