Naglunsad ang Save the Children Philippines ng isang workshop na pinamagatang “Scaling-Up Disaster Risk Reduction and Comprehensive School Safety Best Practices Towards Sustainability” sa Marison Hotel, Legazpi City noong Agosto 15-16, at 22-23, 2023. Layunin ng aktibidad na mas palakasin ang pagtutulungan at paigtingin ang kolaborasyon sa pagitan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng mga kinatawan ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan, seguridad at ang pagpapatuloy ng edukasyon ng mga mag-aaral sa oras ng mga sakuna at kalamidad.
Dumalo sa okasyon si LGCDD Chief Chief Ma. Ruthel P. Gigantoca ng DILG R5, na nagbahagi ng kaalaman at kahusayan sa pamamagitan ng pagkaloob ng konsepto ng Disaster Risk Reduction Management, pati na rin ng mga mandato ng Kagawaran kaugnay sa pagtugon sa kalamidad maging ang mga hamon ng kasalukuyang panahon at mga kaukulang rekomendasyon.