Ginanap ang panlalawigang paglungsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program ng DILG Camarines Sur Provincial Operations Office. Nagsama-sama sa aktibidad ang iba’t ibang mga lokal na pamahalaan ng probinsya, mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Layunin ng BIDA Program na palawakin pa ang kamalayan ng bawat isa hinggil sa panganib ng ilegal na droga, at kung paano ito makaaapekto sa ating mga buhay. Sa pamamagitan ng pagtitipon na ito, mas nagiging buo ang determinasyon ng bawat isa na labanan ang pang-aabuso sa droga at panatilihin ang kaligtasan ng komunidad.
Taos pusong nagpasalamat si Direktor Panlalawigan Julius Rodel Cal-Ortiz sa pambansang pamahalaan, at iba’t ibang sektor at institusyon na dumalo at nakilahok sa paglulungsad ng BIDA Program sa Camarines Sur.