Pinasinayaan ng DILG Sorsogon Provincial Office ang DILG Office Building Phase II ngayong Augusto 25, 2023 sa pamamagitan ng ceremonial ribbon cutting at unveiling ng marker na pinangunahan nina Congresswoman Marie Bernadette G. Escudero, DILG Sorsogon Cluster Head LGOO VII Leandro S. Gigantoca sa ngalan ni DILG Sorsogon Provincial Director Arnel Renato L. Madrideo at Department of Public Works and Highways Sorsogon 1st DEO na pinamuunuan ni OIC-DE Engr. Priscilla B. Jebulan.Sa tulong ni dating gobernador at ngayo’y Senador Francis Joseph “Chiz” G. Escudero, nag-laan ng pondo ang DPWH Sorsogon 1st DEO para sa pagsasagawa ng DILG Office Building Phase II project. Ito ay magsisilbing karagdagang opisina, conference room, at quarters para sa mga empleyado ng ahensya at upang lalo pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo ng DILG Sorsogon Provincial Office sa dumaraming bilang ng mga kliyente nito.Sa kanyang pangwakas na mensahe, nagpahayag ng lubos na pasasalamat si CH Leandro S. Gigantoca sa lahat ng naging parte upang masakatuparan ang proyekto. Hinikayat niya ang lahat na pangalagaan ito at laging isaisip ang diwa ng isang tunay na lingkod-bayan at patuloy na magtrabaho para sa ikabubuti ng lipunan.Ang nasabing okasyon ay dinaluhan rin nina DILG Region V Chief Administrative Officer Rico Guarino, DILG Camarines Sur Provincial Director Julius Cal-Ortiz, Provincial Administrator Eric Ravanilla, City Administrator Mark Guirindola, DPWH 1ST DEO Project Engineer Joseph Hermosa Bonifacio, at mga kawani ng DILG Sorsogon Provincial Office.