NAGANAP KANINA | Pinangasiwaan ng DILG Sorsogon Provincial Office sa pamumuno ni PD Arnel Renato Madrideo kasama si MLGOO Garner Marcos Frilles ang final inspection at validation ng apat (4) na FY 2022 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Barangay ng Carriedo, San Julian, Bacolod at San Juan, Irosin, Sorsogon.
Upang matiyak na ang pagpapatupad ng mga proyekto ay naaayon sa pambansang pamantayan at mga kinakailangan sa pamamahala, sina Engr. Mars Jever Endoma, Engr. Michael Ubaldo at PEO II Samantha Zaira De Vera ng DILG Sorsogon,kasama ang Engineering Staffs ng LGU Irosin at mga kinatawan ng MKV Builders and Construction Supply Inc. ay nagsagawa ng panghuling inspeksyon sa mga sumusunod na proyekto:
- Upgrading ng Water System sa Brgy. Carriedo na may kapasidad na dami ng spring box na 330 sqm. at pipe line na 1,776 linear meter;
- Pagtatayo ng School Building sa Brgy. San Julian na may dalawang silid-aralan at kabuuang lawak na 143.5 sq.m. kasama ang hallway;
- Probisyon ng Renewable Energy-based Electrification sa Brgy. Bacolod na may kabuuang bilang na 53 streetlights na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng barangay; at
- Pagbubukas sa pamamagitan ng pagkonkreto ng Farm-to-Market Road sa Brgy. San Juan, isang double lane na kalsada na may kabuuang haba na 170 metro.
Ang Bayan ng Irosin ay nakatapos na ngayon ng labin-lima(15) sa 25 na proyekto sa ilalim ng FY 2022 Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).