Ang DILG Camarines Sur Provincial Office sa pamumuno ni PD Melody E. Relucio ay nakiisa sa paglulunsad ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) ng Camarines Sur Police Provincial Office sa pangunguna ni PD PCOL Julius Caesar Domingo.
Ang BIDA ay ang opisyal na kampanya ng Kagawaran sa pagpapahalaga sa buhay sa pamamagitan ng paglaban sa paggamit ng ilegal na droga. Ang nasabing programa ay dinaluhan rin ng iba’t-ibang ahensya at organisasyon kabilang na ang Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Department of Health, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Naga College Foundation, Pili Capital College Inc., at Bicol Regional Evangelistic Association for Development, Inc. Nakilahok rin ang mga lokal na pamahalaan sa buong probinsya sa malawakang paglunsad ng programa ngayong araw.
Layon ng BIDA na pagkaisahin ang bawat sektor ng lipunan upang masupil ang pagkalat ng ipinagbabawal na gamot sa bansa. #BuhayIngatanDrogayAyawan#BIDALabanSaDroga#SupportBIDASaveLives