Isinagawa ang pambungad na pagpupulong sa pagitan ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Panrehiyong Tanggapan ng Bicol at Komisyon ng Pagsusuri para sa taong 2022 ngayong ika-10 ng Agosto sa DILG Regional Office 5 Training Hall, Legazpi City.


Ito ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan mula sa mga nabanggit na ahensya at mga panlalawigang sangay ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.


Layunin ng pagpupulong ang pagkakaroon ng maayos na unawaan sa pagsumite ng mga dokumento at ulat na kailangan sa maayos na pagtatasa ng pinansyal at pisikal na pagganap ng kagawaran.
Para sa patuloy na paghahatid ng matino, mahusay, at maasahang paglilingkod sa bayan!